Frankie Pangilinan / photo via Kami |
Nag-alok si Frankie, anak ni megastar Sharon Cuneta kay senador Kiko Pangilinan, na piyansahan ang isa sa 21 na residente ng Sitio San Roque sa Quezon City na naaresto noong April 1 matapos na gumawa ng isang protesta upang humingi ng tulong sa pamahalaan sa gitna ng pag-lock ng Metro Manila.
Sa Twitter noong April 1, sumagot ang outspoken na anak ni Megastar sa isang post ng aktibistang si Renato Reyes Jr. na nagsabing nasa P15,000 ang halaga ng piyansa bawat isa sa mga naaresto.
"Wala na silang makain, pagbabayarin pa ng P15,000 each." Ayon kay Reyes
"I'll sponsor one. Please give the details," ang sagot naman ni Frannkie, "and my parents would like to cover the other twenty. " dagdag pa niya.
Si Renato, na secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan, ay nagsabi naman na kanyang ipapadala ang mga detalye sa sandaling makuha niya ang mga ito sa abogado.
Nagprotesta ang ilang mga residente ng Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa sa Quezon City dahil sa diumano’y kakulangan ng tulong sa kanilang lugar.
Nanawagan ang mga ito at kanilang hinahanap si Quezon City Mayor Joy Belmonte upang humingi ng ayuda.
Ayon pa sa ulat, naaresto ang mga residenteng dahil sa pagprotesta nang walang permit.
Ang mga pag-aresto ay kinondena ng labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), na nagsabing dapat unahin ng gobyerno ang mga mamamayan na mababa ang kita nang maipatupad nila enhanced quarantine.
Kinondena din ng grupo ang pagdakip sa nga nagugutom at desperadong tao.
Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon, nasa 952,000 na relief packs na ang kanilang mga naipamahagi simula pa noong ipinatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
0 Comments