Photo courtesy of GMA News and Twitter |
Umani ng batikos ang isang ginang na si Alma Aquino, isang 4Ps beneficiary matapos itong makapanayan ng GMA TV reporter na si Tina Panganiban Perez, kung saan sinabi nito na di sapat ang 8,000 na binigay na ayuda mula sa Social Amelioration Program ng pamahalaan.
Ayon sa ginang, ang walong libong piso ay hindi sapat para sa kanilang walong miyembro ng pamilya sa loob na isang buwan bagkus umaabot lamang ito ng pang isang linggo. Pagkakasyahin na lamang nila ito upang maging sapat.
Naging viral ito sa social media matapos mapanood ng mga netizens ang nasabing interview sa balita at sa social media.
Agad ikinagalit ito ng mga netizens at sari-saring mga batikos ang inabot ni ginang Aquino. Hindi tuloy naiwansang mag-usisa ng mga neitzens patungkol sa ginang.
Narito ang kanilang mga komento:
"why is she in 4Ps, if they can manage at least 32,000 a month?"
"oo nga naman, kung kulang pa sa kanila yan it means 32K ang budget nila a month. wagas!"
"HI Tina, mukhang nagbackfire kay ate ang interview nya!"
"I was just wondering how the family is earnng at least 8K/week in their normal lives. They have 32K/month. Kung malaki naman pala ang kinikita nila, bakit kasali pa sila sa 4Ps. The govt. can only give 8K, we have no choice but to spend that within that limit in this whole ECQ period."
"Akala ko ako lang nakapasin! 8K good for 1 week. Kakaibang 4Ps member to ah!"
"grabe gulat ko dun ha... may kilala akong 4Ps family of 10 yang 8K sobra na sa kanila yan. Kahit kami kumukita hindi kami gagastos ng 8K for a week. wow!"
Sa kabila nito, may isang netizen naman ang humihingi ng clarification sa TV reporter na nag-interview kay ginang Aquino.
Nais ng netizen na maliwanagan patungkol sa 4Ps at sa karagdagang kalagayan ng nasabing ginang. At upang maging patas din sa ginang.
Matatandaang nagdeklara kamakailan ang pamahalaan ng enhamced community quarantine upang maiwasan ang paglaganap ng Covid19 virus.
Dahilan upang pansamantalang suspindihin ang mga trabaho, pagbyahe ng mga pampublikong sasakyan at ibang mga establisyemento.
Naging mahirap para sa mga kababayan natin ang lumabas at mamili ng mga pang araw-araw na pangangailan dahil na rin sa mahigpit na pagbabantay ng kapulisan.
0 Comments