Ted Failon slams Joy Belmonte for relying on Duterte instead of using her funds to help QC’s poor


File photo from Starmometer and PhilNews



Sinasabi na ang Quezon City ay isa sa pinaka mayamang urban center sa bansa, kasunod ng Makati, na may tinatayang P81 billion na assets, ngunit ang mayor nito na si Joy Belmonte ay tumatanggi umano na i-realign ang budget ng siyudad para maglabas ng budget upang tulungan ang mga apektado ng lockdown dahil sa COVID-19.

Ang pagtanggi na ito ni Belmonte na maglabas ng pera mula sa malalim na bulsa ng QC ay kinagalit ng dating Kongresista na si Ted Failon.



Mas gugustuhin pa umano ni Belmonte na umasa sa subsidies mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Magpakatotoo tayo. ‘Yung mga nagyayabang na sila ang pinakamayan na city ‘pag walang kalamida.’Pag may kalamidad, kailangan namin ang tulong, nasaan na ang gobyerno. ‘Pag may kalamidad, iba na ang usapan,”  banat ni Failon sa kanyang radio program sa DZMM.

Hindi umano maintindihan ni Failon kung bakit iniipit ng QC mayor ang budget para sa crisis tulad ng COVID-19, samantalang nakakapag re-align nga noon para sa beautification projects at paggawa ng mga opisina ng mga politikos sa City Hall.

“Ito ang bilis n’yo magpasa ng suppemental budget tapos ito pangangailangan ng inyong constituents, kesyo ganito, kesyo ganyan,” ayon pa kay Failon


Sinabi pa ni Failon na sa ganitong crisis, dapat lang na iurong ng alkalde ang ibang beautification projects at mas maglaan para sa kanyang mga nasasakupan na apektado ng community quarantine.






Post a Comment

0 Comments