Pokwang, napamura at naiyak sa galit dahil tinawag na papansin matapos tumulong sa apektado ng quarantine



Mga kuha mula sa Instagram 


Hindi napiligilan ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ang kanyan galit sa mga negatibong comments ng ilang netizens matapos siyang tawagin na papansin dahil sa kanyang mga pagtulong na ginagawa sa gitna ng COVID-19 situation.

Sa isang Instagram post, nilabas ni Pokwang ang kanyang sama ng loob sa mga bashers.

Damned if you do damned if you don't, sa mga nakukunsenya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaa problema niyo yan!” ayon pa sa post ng komedyante.



Ang galit ni Pokwang ay nagsimula dahil tinawag siyang papansin matapos niyang magbigay ng tulong para sa mga policemen at military na nasa checkpoints dala  ng announcement ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng community quarantine.

Sinabi din ni Pokwang sa kanyang mga bashers na dapat ay magdasal na lang para may maitulong sila sa bansa sa gitna ng pagkalat COVID-19 sa bansa.

“READ THIS MGA AN*MAL!!!! NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!! SA GANITO PA TALAGANG PANAHON??? HAA??? SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SAT*NAS???? NGAYON PA TALAGA??? HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!!!” ayon pa sa caption ng kanyang post

Samantala, bumuhos naman ang suporta at pasasalamat ng mga netizens sa ginagawang pagtulong  ng Kapamilya comedienne. Narito ang ilan:



“Onli inda pilipins! Nsa pinas po tyo wg po mag expect ms.pokwang! Kya wlng asenso pinas..(crab mentality) push mu lng po yn..Godbless u more!

“Ilang porsyento lang sila na walang magawa kundi mangbash.....mas marami ang proud at natutuwa sa kusang loob na gawain. Naway di ka magsawà. Continued blessings for you

“To the bashers it addresses to your mothers who did not teach you the right things. Mam Pokwang you did amazing worth emulating , GB you more po”


“Don’t mind them mommy ! We knew that you are such a good mother and a good person. I will thank you for doing such things to help our frontliners , it was a simple thing but it makes the whole world smile. Keep it up! “





Post a Comment

0 Comments