Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso/photo courtesy of Mayor Isko Facebook page |
Pansamantalang Ipinatupad ang lockdown sa buong Luzon upang mabawasan o mapababa ang pagkalat ng COVID-19 virus.
Dahil sa krisis na dulot ng nasabing virus, marami
sa ating mga kababayan ang pansamantalang natigil sa paghahanap-buhay.
Lubhang apektado dito ay ang mga kababayan nating
manggagawa na umaasa sa arawang kita upang may maipangtawid sa kanilang mg
pamilya.
Kaya naman naisip ng butihing mayor ng Maynila na si
Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, na personal na ihatid sa bahay ng mga
driver ang tig-isang sakong bigas para sa kanilang rasyon pagkain.
Ayon
kay Mayor Isko, idiniliber na sa mga bahay ng mga tricycle driver ,jeepney
driver , e-trike driver, pedicab driver ang mga bigas para naman hindi na sila
lumabas ng kani-kanilang bahay.
Ginawa
ni Yorme ang nasabing na hakbang para hindi na mamasada at lumabas ng kanilang
mga bahay ang mga driver upang makaiwas sa panganib na dala ng COVID-19.
Dagdag pa nito, lahat ng tulong na manggagaling sa
lokal na pamahalaan ay diretsong ihahatid sa bahay-bahay ng mga taga Maynila.
Ang kada sako na ipinamimigay ay tumitimbang ng
25kilos bawat isa.
0 Comments