Duterte pormal na ipinagbawal ang pagbebenta ng vape sa mga wala pang 21 taong gulang

Mga larawan mula sa Google




Nag issue na ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar, ito ay tatlong buwan mula nang una niyang ipag-utos ang pag aresto sa mga gumagamit ng mga vape at e-cigarette.

Nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order 106 noong February 26 na kokontrol sa pagbebenta at paggamit ng mga e-cigarette upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko.



“There is a need to regulate access to and use of electronic nicotine/non-nicotine delivery systems, heated tobacco products, and other novel tobacco products, to address the serious and irreversible threat to public health, prevent the initiation of non-smokers and the youth, and minimize health risks to both users and other parties exposed to emissions,” ayon sa Pangulo

Nakasaad din sa executive order ang pagbabawal ng pagbebenta at pag promote ng mga e-cigarette sa mga lugar na madalas tambayan ng mga kabataan.

Ipinagbawal din ng Pangulo ang paggamit at pagbebenta ng mga sigarilyo o iba pang mga produktong tabako ng isang menor de edad, o e-cigarette, produktong tabako o ang kanilang mga sangkap ng isang taong wala pang 21 taong gulang.



Sa ilalim ng EO, ipinagbabawal ang vaping ‘sa mga kulob na pampublikong lugar…maliban sa Mga Itinalagang

 “[T]here is a need to regulate the access to and use of [Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems(ENDS/ENNDS)], [Heated Tobacco Products (HTP)] and other novel tobacco products, to address the serious and irreversible threat to public health, prevent the initiation of non-smokers and the youth, and minimize health risks to both users and other parties exposed to emissions,” ayon sa order

Ang executive order na ito ng pangulo ay lumabas tatlong buwan matapos sabihin ng pangulo sa mga reporters na “I said smoking is dangerous. So vaping is also dangerous and I am banning it. If you are smoking now, you will be arrested.”


Ayon din sa Pangulo, may ulat mula sa Department of Health na ang mga gumagamit at nakakalanghap ng usok mula sa vape ay mapanganib, maaari din umano ito maging sanhi ng iba’t ibang sakit.




Post a Comment

0 Comments