Duterte admin naging pabaya sa COVID-19 crisis - Bayan

File photo from ABS CBN


Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ang kasalukuyang lockdown na ipinatupad sa buong Luzon ay resulta nalang umano ng malaking pagkukulang ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Habang nagaganap ang epidemya sa China at karatig-bansa, minaliit ng mga opisyal ng gobyerno ang maaaring epekto nito sa Pilipinas,” ayon sa pahayag ng Bayan nitong Marso 19, 2020.


Sinabi ng grupo na dapat ay maagang nagpa travel ban mula sa mga bansang sentro ng COVID-19.

Dapat din daw ay naging maagap ang gobyerno sa paghahanda para sa malawakang public testing kasama na ang mga posibleng makinarya na gagamitin kung sakali man na makapasok sa bansa ang sakit.

Nanawagan din ang alyansa ng anim na medical at socio-economic measures na dapat ipatupad ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.

MGA PANG MEDIKAL NA AKSIYON

1. Sapat na pondo para sa libreng testing, pagpapagamot at paglaban sa COVID-19, at pagsasaayos ng health services.
2. Magsagawa ng libre at organisadong mass testing.
3. Magdagdag ng gamit, supply at personnel sa mga ospital
4. Magtayo ng mga sanitation facilities at mga quarantine centers sa bawat komunidad
5. Magkaroon ng tiyak na suporta at proteksyon ang mga frontliners, kasama na dito ang mga health workers.
6. Ayusin ang sistema ng pagtugon sa COVID-19 maging hanggang sa community level.


MGA SOCIO-ECONOMIC NA AKSIYON

1. Ipagbawal ang tanggalan ng trabaho at bigyan ng ayuda ang mga apektadong manggagawa.
2. Mabigyan ng emergency relief goods at ipa pang tulong ang mga mahihirap.
3. Magpatupad ng moratorium sa mga bills at penalty.
4. Kontrolin ang presyo at siguraduhin na may sapat na supply at mga serbisyo
5. Tiyakin na magkaroon ng transportasyon para sa mga nangangailangan
6. Itigil ang  demolisyon ng mga bahay ng mahihirap at kupkupin ang mga taong walang matutuluyan.


“Kumilos din tayo sa abot ng makakaya para punan ang anumang pagkukulang na kaya nating punan. Tulungan natin ang mga frontline personnel at ahensya at makipag-ugnayan sa mga baranggay, ospital, LGU at iba pang ahensa para makamit ang ating mga panawagan,” ayon pa sa grupo

Post a Comment

0 Comments