Senate Minority Leader Franklin Drilon/photo courtesy of Philstar |
Nagbigay babala si Senate Minority Leader
Franklin Drilon, laban sa binigay na kapangyarihan kay Pangulong Duterte.
Ani Drilon, dapat ay umiiral pa rin ang
auditing rules at ang anti-graft law kahit maisabatas na ang panukala sa dagdag
na kapangyarihan ng Pangulo.
Sa binigay na kapangyarihan kay Pangulong Duterte
na mag-realign ng pondo sa 2020 national budget, hindi dapat umano exempted sa
pananagutan sa batas ang mga opisyal na lulustay ng pondo.
“Hindi ibig sabihin na isasantabi na natin ang
ating audit rules, ang anti-graft law. Hindi po isinasantabi iyan. Iyan ay
umiiral kahit may kapangyarihang malawak, kahit na may kapangyarihang
ibinibigay para i-realign ang existing budget doon sa pagdagdag ng pera para sa
ibang mga programa,” ayon kay Drilon.
Dagdag pa ni Drilon, hindi siya tutol sa
panukalang inaprobahan ng Senado dahil talagang may emergency na kailangang
tugunan ng gobyerno kung saan marami sa ating kababayan ay nagkakasakit dulot
ng Pandemya.
Bukod pa dito, malaki din ang demand ng medical
services, at iba pang basic services at marami rin ang nawalan ng trabaho dahil
sa pinatupad na enhanced community quarantine.
“So ito ay extra ordinary times at siguro, sa
tatlong buwan, bigyan natin ng enough leeway ang executive branch to do the
job. Ngayon, hindi ibig sabihin na isinasantabi natin yung COA rules, anti-graft
law. Kapag hindi natin sinunod ito ay may pananagutan pa rin tayo,” babala ng
senador.
0 Comments