File photo from Google (ctto) |
Hindi maiwasan na ilan sa mga netizens ang ikumpara si Quezon City Joy Belmonte kay Pasig City Mayor Vico Sotto pagdating sa approach sa kanilang nasasakupan sa gitna ng enhanced community quarantine ng Luzon.
Mas marami ang pumuri kay Sotto dahil hands on ito kumpara sa beteranong politiko na si Belmonte.
Isang post sa Reddit Philippines ang nag feature ng magkaibang style ng dalawang mayor, “Two mayors, two different styles. I vs We.” ayon pa sa caption.
Pinakita sa post ang isang tweet ni Sotto noong March 13 kung saan siya ay nag turnover ng disinfectants at mga personal protective equipment sa mga frontliners ng baranggay.
“To multiply the efforts of the city’s #Disinfection Team, we turned over 500 sets of Backpack Sprayers with Disinfectants and PPEs to our 30 barangays. (Personal Protective Equipment, including hazmat suits, face shields, gloves, and boots) #COVID19 #PreventiveMeasures” ayon sa caption ng post ni Sotto
Samantala, kabaligtaran naman ng "we" ni Sotto ang isang mensahe ni Belmonte matapos mamigay ng face masks at alcohol.
“I have decided to distribute these essential health items to 100,000 of our indigent families beginning tomorrow. Bahay bahay po ang distribution para siguradong makarating sa kanila. #JoyParasaBayan #KasamaKaSaPagunlad #KasamaLahatSaPagunlad" ani Belmonte.
Dahil dito, marami ang nainis sa tila self-centered na style ng Quezon City mayor, narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Sa news sa tv, kitang kita yung supot ng alcohol kit nya may pangalan nya pa.”
"I don't really have a problem with her usage of the word "I", but what the actual f*ck is that hashtag "
"It looks like she was trying to make the announcement as extravagant as possible to make people notice and praise her for something that is expected of them lol."
"Lol even her hashtags are trying to promote herself"
0 Comments