Robredo: Instead of 'unnecessary' remarks from Panelo, Duterte should be the one to lead responding vs coronavirus



Vice President Leni Robredo / photo courtesy of OVP


Hinikayat ni Bise Presidente Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang pag tugon sa paglaban sa mga banta ng coronavirus o nCoV sa halip na hayaan ang kanyang mga tagapagsalita sa pakikipag usap.

Kinondena ni Robredo nitong Linggo ang umano’y “unnecessary” at “tentative’  na mga pahayag ng ilang mga opisyal ng gobyerno, partikular kay Spokesperson Salvador Panelo, nang magbigay ito ng update tungkol sa ginagawa ng pamahalaan patungkol sa pagkalat ng virus.



Pinakamabuti sana kung si Pangulo iyong lumabas in public para mag-make ng statements. Kasi alam natin na very popular si Pangulo, na kapag siya iyong mag-assure sa mga kababayan natin na lahat ginagawa ng pamahalaan, tingin ko hindi ganoon kagrabe iyong takot, eh," ani Robredo sa kanyang weekly radio show.

"Pero ang problema kasi, iba-iba iyong mensahero, iba-iba pa iyong mensaheng binibigay. Masyado pang tentative iyong pagkabigay. Gaya noon, sabi ni Secretary Panelo, 'eh papaano ibibigay, kayo ang nagsasabi na wala naman.' Parang... Parang dapat hindi iyon sinasabi ng opisyal, ‘di ba?" dagdag niya

Ang pahayag na ito ni Robredo ay patama kay Panelo matapos nitong sabihin na hindi makapag bigay ng libreng masks ang gobyerno dahil sa kakulangan ng supply nito sa bansa.



Nitong Linggo lang ay nag anunsyo ang Palasyo nag issue ang pangulo direktiba nae extend ang travel ban sa mga turista mula sa China, kasama na ang mga Special Administrative Regions nito tulad ng Hong Kong at Macao.

Noong January 31, unang nag labas ng pansamantalang travel ban si Duterte sa mga travellers na magmumula sa Wuhan at buong lalawigan ng Hubei , China lang kung saan nag mula ang nasabing virus.



Ilang oras lang ang nkakalipas matapos ihayag ang extension ng travel ban, inanunsyo naman ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng nCoV sa bansa, isang 44-taon gulang na lalaking Chinese na nasawi din noong February 1.




Post a Comment

0 Comments