Lahat pantay! Robin Padilla on ABS CBN franchise renewal: 'Sana manaig ang batas'


Robin Padilla, larawan mula sa Push


Sa gitna ng issue tungkol sa renewal ng kontrata ng ABS CBN network, hiling ng aktor na si Robin Padilla sa kanyang Facebook post na sana ay manaig ang batas.

Naka post sa Instagram ni Robin ang imahe ng hustisya, ayon sa caption: “No man is above the law and no man is below it”.

Sa nasabing post, sinabi rin ng aktor na walang dapat kilingan ang batas, mayaman man o mahirap.



“Mayaman o ­mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay-pantay sa harap ng batas dahil ang hustisya ay walang tinitingnan o tinititigan ang mali ay mali at ang tama ay tama walang maybe o exempted ang lahat ay mananagot kapag ­lumabag sa batas.

“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Diyos napakapambihira naman kung pati batas ng tao ay lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi…” ayon sa mensahe ng post ni Robin

Si Robin ay isa sa mga beteranong artista ng Kapamilya network. Siya ay matatandaang naging judge sa “Pinoy Got Talent” at nagkaroon din siya ng serye na kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Ayon pa sa ulat ng Abante, marami umano ang nagsasabing nilaglag ni Robin ang kanyang estasyon at kapwa artista na nanawagan na huwag ipasara ang ABS CBN.


Ilan sa mga kapwa artista na nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag tuluyang ipasara ang estasyon ay sina Coco Martin, Angel Locsin, Regine Velasquez, Yeng Constantino, Baron Geisler, at iba pa.

Ang comment section naman ng post ni Robin ay naka-disabled, marahil ay upang maiwasan na rin ang mga di magandang salita mula sa mga netizens na hindi pabor sa kanyang sinabi.



Post a Comment

0 Comments