Karen Davila kay Panelo:'Duterte wala daw kinasuhan, anong tawag kina Trillanes, De Lima?'




Sa isang eksklusibong panayam sa ANC Headstart, hosted by Karen Davila, iginiit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kinokontrol o pinipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso ng Pilipinas upang hadlangan ang pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN network.

Ipinaliwanag ni Panelo ipinapahayag lamang ng pangulo ang kanyang mga disappointment laban sa nasabing network nang hindi nila maipahatid ang komersyal na binayaran ng dating Mayor ng Davao City noong nakaraang halalan ng pangulo, ngunit hindi ito nangangahulugan na kontrolado na niya ang Kongreso upang hadlangan ang kanilang pag-renew sa franchise na kung saan ay nakatakdang mag-expire sa darating na Marso 30, 2020.


Ang Kongreso lamang ang maaaring magpasya kung magpapabago sila ng prangkisa ng network at hindi ang Pangulo.

Naging mainit ang diskusyon nina Presidential Spokeperson Salvador at ‘Hot Copy’ host na si Karen Davila tungkol sa mga kritiko ni Pangulong Duterte.

“Tandaan mo Karen, this man has been the subject of so many harassment, many character assassination, he never sued anybody. Mayroon ka bang nabalitaan? Kung papaano siya murahin nila (dating Senator Antonio) Trillanes, (Senadora Leila) De Lima at kung sinu-sino pa. He has been pictured as a murderer but he never, he ever put anybody,” ayon kay Panelo.



Ngunit kaagad namang binanggit ni Karen Davila ang mga kasong kinakaharap ngayon nina Antonio Trillanes at Leila De Lima na sinampa ng administrasyon habang pinapalabas umano na biktima ang Pangulo.

Si Trillanes ay nahaharap sa kasong sedisyon kaugnay ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video na propaganda umano laban kay Pangulong Duterte at pamilya nito.

Ngunit iginiit ni Panelo na hindi dapat ang pangulo ang ituro at sisihin dahil hindi naman ito ang nagsampa ng kaso.


“Teka muna, teka muna. Iyong sinasabi mong sedition, tandaan mo, mayroong nagdi-determine whether may probable cause for a particular crime – hindi si President Duterte iyon – trabaho ng DOJ (Department of Justice) iyon, mga imbestigador,” depensa nito.

Post a Comment

0 Comments