Human rights lawyer Chel Diokno at Vice President Leni Robredo / larawan mula sa Manila Bulletin at Rappler |
Pinuri ng human rights lawyer na si Chel Diokno si Bise
Presidente Leni Robredo dahil sa kanya umanong makatotohanang ulat tungkol sa drug
war ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Diokno, ang ulat ni Robredo ay nagpapatunay lamang
na hindi seryoso ang administrasyon sa paglaban sa ilegal drugs sa bansa.
“Thank you VP Leni for speaking the truth about the War on
Drugs. Your report confirms that this regime isn’t serious in fighting illegal
drugs.
Its real goal is to replace the rule of law with the law of
force, and to subjugate our people with State-sponsored fear & violence,”
ani Diokno sa isang tweet.
Nitong Lunes lang ay nilabas na ni Robredo ang kanyang ulat
tungkol sa drug war at sinabing mas mababa pa sa 1 porsiyento ng kabuuang
suplay ng shabu na nakakapasok sa bansa ang nakukumpiska ng mga awtoridad.
Ayon umano sa datos ng pulisya, sinabi ni Robredo na halos
3,000 kilong shabu ang nagagamit sa bansa bawat linggo o humigit kumulang
156,000 kilos bawat taon.
Dagdag ng ikalawang pangulo, ayon sa pagtantiya ng pulisya,
humigit-kumulang P1.3 trilyong halaga ng shabu ang umiikot sa bansa bawat taon.
Ngunit, ang mga nakukumpiska ay umaabot lamang sa P1.4 bilyong halaga.
"Malinaw na malinaw na ayon mismo sa opisyal na datos,
sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi
lumampas sa 1 porsyento ang naipit natin sa supply ng shabu at sa perang nakita
mula sa droga," ayon pa kay Robredo
"Isipin na lang natin kung exam ito. Magiging iskor ng
ating pamahalan ay 1 over 100," dagdag niya
Kinuwestiyon din ni Robredo ang paiba ibang aktwal na bilang
ng mga gumagamit ng droga sa bansa, na kamakailan lamang na inanunsyo ng Pangulo
na na a 7 hanggang 8 milyon, mas mataas kaysa sa pagtatantya ng ICAD sa halos 4
milyon.
“It
is alarming because there are different interventions for users and pushers.
Dahil hindi maayos ang datos, naghahalo-halo lahat (because the data is not in
order, they mix up)," aniya
0 Comments