Vice President Leni Robredo / file photo from Google (ctto) |
Nanawagan si Bise Presidente Leni Robredo nitong Linggo na
masusing pag-aralan ang panukala na tutugon sa paulit-ulit na pagpatay sa mga
manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Kamakailan lang ay isang OFW na naman sa Kuwait ang napaslang
umano ng asawa ng kanyang employer.
Ayon pa sa ulat, wala nang buhay nang isugod sa ospital ang
biktimang si Jeanelyn Villavende.
“Dapat siguruhin na hindi na siya mangyayari sa susunod,”
ayon kay Robredo sa kanyang radio program nitong weekened.
“Nagkaroon na rin ng ganito, na-suspend siya 2018, noong
namatay naman si Joanna… Kailangan talagang pag-aralan ito dahil kahit na
na-suspend siya, nagkaroon ng memorandum of agreement, nangyari na naman,” ani
Robredo
Taong 2018 nang magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at
Kuwait sa ilalim ng Philippines and Kuwait signed a memorandum of understanding
(MOU) na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga Filipinong naninilbihan sa
nasabing bansa.
“Hindi talaga nasusunod,” dagdag ng bise presidente.
Nitong Biyernes naman ay sinulong ng ACTS-OFW party-list ang
total ban ng mga household workers papuntang Kuwait.
0 Comments