Netizen nagbigay ng suhestyon para sa mga evacuation centers at sa mga naiis magpaabot ng tulong



Photo from Manila Bulletin and Facebook


Isang netizen ang nagbigay ng kanyang saloobin at suggestions base sa kanyang mga na-obserbahan sa evacuation centers dahil sa pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa post ni Gerald Hidalgo, iisa umano ang mapapansing sistema sa mga evacuation centers sa Tanauan at Santo Tomas, Batangas.



Aniya, halos lahat ng mga nasa evacuation ay walang kakayahan na mag luto kaya naman ang mga relief goods na dumadating sa kanila ay naiimbak lang din.

Dahil dito, ang mga bigas, de lata at iba pang ulam  na dumadating para sa ating mga kababayan ay hindi rin nila makain kaagad.

Kaya naman, nagbigay si Gerald ng kanyang mga suhestyon para sa mga nais magpaabot ng tulong at pati na rin sa local na pamahalaan ng Batangas.

Narito ang opinion ng concerned netizen na ito para sa pang matagalan na solusyon:



1) mag karoon ng mobile kitchen ang bawat evac Center kung San pwede tumulong sa pag prepare ng kanilang kakainin ang mga evacuees at volunteers

2) isama sa kwenta ng preparasyon sa pagkain ang mga volunteers/ security/ evacuees na nasa lugar. Karamihan sa nakikita at nakausap po namin ay gutom din sila

3) magkaroon ng head count bawat area pati mga nasa bahay dun sa Brgy at ng maisama sa listing.



 Mabigat magpakain ng 2-3 pamilya bawat bahay. Bale sa oras ng kain ay saka sila pupunta sa Center upang maki kain upang hindi maka strain sa mga kamag anak or kaibigan

4) ang dalhin na lamang sa Center ay sako sako ng bigas/ asukal/ kape/ baboy / manok/ gulay

5) gumawa ng Committee sa bawat evac Center na in charge sa inventory ng pagkain at meal planning para sa volunteers



6) gumamit ng water filters kesa mga bottled water ang binibigay to reduce trash

7) organize and give allowance or salary sa mga evacuees na tutulong para sa up keep ng area nila ( kusina/ banyo/ kitchen)

8 ) gumamit ng washable na mga plato at tinidor para sa better sanitation kesa puro tapon ang gagawin bawat kain

9) mag post or maglagay ng bulletin sa schedule na pwede mag dala ng hot meals ang mga centers. Minsan ay nag sasabay sabay na papanisan ang ibang mga dinala.

10) registration ng mga evacuees na nasa bahay at Center sa bawat Brgy is a must. Para maisayos ang bilang ng dapat ihanda.

Post a Comment

0 Comments