Mga miyembro ni Quiboloy nakalikom umano ng 20 milyong dolyar sa panghihingi mula 2014



Pastor Apollo Quiboloy ng KOJC / larawan mula sa Philstar


Walang nagawa ang kapangyarihan o “power” ni Pastor Apollo Quiboloy matapos arestuhin ang tatlong miyembro ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) sa magkahiwalay na raid na isinagawa ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Glandale, Van Nuys at Los Angeles sa California, USA.

Si Quiboloy na sinasabing may kakayahang magpa hinto ng lindol o bagyo, ay ang founder ng nasabing simbahan o ng KOJC.



Naiulat din na umabot sa 20 milyong dolyar ang halaga ng umano’y na solicit ng simbahan ni Quiboloy mula 2014 hanggang 2019.

“Bank record shows that KOJC accounts received approximately $20 million in cash deposit from 2014 through mid-2019 and most of these funds appear to derive from street level solicitation,” ayon sa affidavit.

Kinilala naman ang mga nadakip na sina Marissa Duenas, 41-anyos, Amanda Estopare 48 at Guia Cabac­tulan 59.



Matagal na umanong naka monitor sa FBI ang naturang grupo ng miyembro ni Quiboloy matapos makatanggap ng impormasyon na kaugnay sa human trafficking.

Ayon sa mga ulat, nagsimula umanong magpadala ng mga miyembro ang KOJC sa Amerika noong 2013 para sa musical event na gaganapin ngunit pagdating umano sa naturang bansa ay ginagawa silang volunteer para manghingi o mag solicit ng pera para sa mga mahihirap na kabataan sa Pilipinas.



Sinasabing kinukuha ang mga pasaporte ng volunteers ng pamunuan ng KOJC at binibigyan ng quota kung magkano ang kailangan nilang maipon sa isang araw.

Nag pepeke rin daw ng mga dokumento ang mga miyembro ng KOJC para makapag stay ng matagal ang mga nagiging biktima. Pati mga dokumento ng kasal at enrollment form sa paaralan ay kasamang ginagawan nila ng paraan para maging ligal ang pag stay sa Amerika ng kanilang mga volunteer.

Samantala, ang mga perang nakakalap ng mga miyembro ay ginagamit umano ng mga opisyal at galamay ng KOJC para makapamuhay ng marangya at maginhawa.

Nakatakda umanong humarap sa korte ang mga suspek ngayong araw January 31, 2020.





Post a Comment

0 Comments