Kabayang OFW nakaipon ng 1Milyon matapos mag-diet, umiwas magyosi, at on-line games!



Photo courtesy of Neil Ryan Lorenzo Facebook


Marahil halos lahat ng tao ay nangangarap na makaipon ng pera upang may magamit tayo sa oras ng pangangailangan at may maipundar na mga ari-arian upang makita naman natin kung saan napupunta ang ating mga pinaghirapan.

Ngunit kadalasan ay nagiging problema natin ang kawalan ng disiplina sa sarili upang agad na makaipon ng pera. Nariyan ang kaliwa’t kanang mga tukso gaya ng mga bisyo, luho at mga gastusin na di naman talaga natin kailangan.



Pero ibahin nyo ang kwento ng isang OFW na ito na talaga namang nagsumikap at todo disiplina sa katawan upang maiwasan ang mga bagay na makakasama sa kanyang katawan para maka-ipon.

Siya si Neil Ryan Lorenzo, isang OFW, na nagshare ng kanyang kwento kung anu-anong mga bisyo ang kanyang iniwasan at kung paano siya nakapag-ipon ng inaasam na isang Milyon.

Sa kanyang Facebook post, inilahad niya ang kanyang mga diskarte upang makapag-ipon siya ng tumataginting na isang milyong piso. *



Ayon pa kay Neil, na-inspire umano siya sa isang Facebook page na kilala bilang Pesosense, na naglalayong magbigay ng tips kung paano makakapag-ipon at maging wais sa pera.

Na-inspire si Neil na sumali sa tinaguriang “Ipon Challenge” ng Pesosense, kung saan ay nakatakdang magtabi ng halaga ang bawat sasali sa loob ng isang taon.

Bilang hamon sa Ipon Challenge, iniwasan ni Neil ang kanyang mga bisyo gaya ng paninigarilyo, nagdiet din sya, at umiwas din sa mga magastos dahil sa pag-o-online games. *



Nagawa din nyang magtinda ng isda, nagpaupa ng billiard table, at magrepair pa ng mga gadgets at gold bar raffles at ibinenta ang mga napanalunan sa mas mababang presyo sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Talaga naming nagfocus lang si Neil sa kanyang mga ang gawain sa loob ng 3 at kalahating taon at dumating na nga ang tamang panahon kaya binuksan na ang kanyang naipon nito lamang Nobyembre.

Namangha at halos hindi makapaniwala ang ating OFW na nakapag-ipon siya ng 75,400 Saudi Riyals o mahigit Php1 million.



At dahil sa naipon niyang pera, ibinili nya ng bahay ang kanyang ina sa General Trias, Cavite at sa kasalukuyan ay masaya itong nagbabakasyon dito sa Pilipinas.

Bilang pasasalamat na rin sa mga biyayang kanyang natanggap ay nagpamigay din ng mga pagkain si Neil sa mga taong sa kalsada lamang nakatira.

Nagpaparaffle din ito sa kanyang Facebook account at ang panalo ay nag-uwi ng 500 Riyals o mahigit PHP 6,000. *



Ayon sa isang on line page na OFW Updates, dahil marami ang na-inspire at humanga sa istorya ni Neil Ryan Lorenzo, naging viral nga ito at nai-feature pa siya sa programang Kapuso Mo: Jessica Soho (KMJS).

Narito ang kanyang Facebook post: 

“I2 na ipon challenge q 3yrs and half q sya inipon nakita q 2 peso sense nag karoon aq idea sarili q pra mag ipon alam nyo ba ano ginawa q pra dumami ipon ko po inalis q po yosi q nag daet pati games q inalis q sobra laki pla na gagastos q sa yosi pag kain q pati na din games q.
<
div class="MsoNormal" style="line-height: normal; margin-bottom: 0in;">
Inalis q lahat dami nag bago sa kalusugan q 21yrs bago q na stop pag yo2si q 85kg aq dati now 75kg nalang timbang q diba naka ipon na aq na alis q pa bisyo q salamat sa pesonsense ikw dahilan kya nagawa ko to salamat lord sa pamilya q. 


Sana maka 2long sa inyo lahat pano ba tlga mag ipon.

Guys bi2gay po aq blessing sa inipon q paki share nalang po at like mag share makaka sali po sa raffle q sa dec 22 8pm po mag start raffle q. tatlo po mananalo ng 500sr katumbas 6500php pra po sa pasko pang dagdag sa handa malalaman nyo po cno manalo sa dec 23 8am ppm q po mananalo d po pwde dummy account manalo dummy dq po d q po bi2gay prize nyo.


Naipon q pala 75400k riyal + 2700peso total po sa pera natin 1million mahigit po sobra happy talaga aq d q akalain sobra laki pala na ipon q…. At pag uwi q bi2gay po aq church nanay q po at mag iikot pra sa mga pulubi pra kht papaano ma bigyan q cla. Konti pag kain pra sa pasko salamat po sa lahat iloveu guys.” ***

Post a Comment

0 Comments