Senador Panfilo Lacson / Larawan mula sa KAMI |
Si Senador Panfilo Lacson ay naninindigan umano para sa
katotohanan, hindi para sa politika ng pro-Duterte o Dilawang pwersa, ayon sa
ulat ng Politiko.
Nilinaw ni Lacson ang kanyang posisyon matapos siyang
hamunin ng isang netizen na magpasya kung aling panig talaga ang kanyang
kinakampihan.
“Saan ka ba talaga? Who’s side are you? Nakakalito ka na.
Man up. Kung pro du30 ka, so be it. Don’t play people’s minds. Hindi lahat
tanga. WTF,” ang sinabi ng netizen na may user @ferdspal sa senador.
“Whose side am I? Sa tama, hindi sa pulitika ng DDS at
Dilaw. I have always been consistent: Right is colorless and it should always
be regardless of the consequences. I am sorry for you. Either you’re confusing
the issue or you’re confused,” ang sagot naman ni Lacson
Ayon pa kay Lacson, ikinalulungkot niya na ang netizen ay
maaring nalilito o nag lalagay lang ng isyu.
Sinasagot din Lacson ang kanyang isyu sa ilang mga senador
ng US na umano’y nakikialam sa usaping may kinalaman sa Pilipinas.
“Respect runs both ways especially between two long time
allies. If some US senators still see our country as their colony, we will tell
them in their faces we are not. If they insult us, we will insult them back. We
are entitled to our national pride and dignity,” ayon kay Lacson
0 Comments