Gary Alejano says Duterte already called drug war a failure: "Mas masakit ba si VP Leni ang magsabi?"


Bise Presidente Leni Robredo at dating kongresista na si Gary Alejano larawan mula sa Philstar



Hindi umano maintindihan ni Gary Alejano kung bakit nagagalit ang mga netizen kay Bise Presidente Leni Robredo sa sinabi nitong ‘failure’ ang illegal drug war kahit sinabi na mismo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa sa dating kongresista ng Magdalo hindi dapat sinisisi si Robredo sa pagpapalabas ng mga datos na nagpapakita umanong palpak ang anti-drug campaign.



"Mas masakit ba sa VP Leni ang magsabi ?," sabi ni Alejano, patama sa mga  kaalyado ng administrasyon at troll.

Noong April 2019, inamin ni Pangulong Duterte na hindi naging matagumpay ang kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

“You can read it every day, even in the crawler of the TV networks. There are billions worth of drugs. Before, it was only thousands. Drugs, I cannot control, son of a b****h, even if I ordered the deaths of these idiots,” ayon noon kay Duterte sa isang campaign rally bago ang eleksyon ng 2019.



Nitong Lunes lang nang ilabas  ni Robredo ang kanyang ulat tungkol sa drug war at sinabing mas mababa pa sa 1 porsiyento ng kabuuang suplay ng shabu na nakakapasok sa bansa ang nakukumpiska ng mga awtoridad.

Ayon umano sa datos ng pulisya, halos 3,000 kilong shabu ang nagagamit sa bansa bawat linggo o humigit kumulang 156,000 kilos bawat taon.

"Malinaw na malinaw na ayon mismo sa opisyal na datos, sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 porsyento ang naipit natin sa supply ng shabu at sa perang nakita mula sa droga," ani Robredo



"Isipin na lang natin kung exam ito. Magiging iskor ng ating pamahalan ay 1 over 100," dagdag niya



Post a Comment

0 Comments