Senadora Leila De lima at Presidential Spokesman Salvador Panelo / larawan mula sa Manila Bulletin |
Binanatan
ni Senador Leila de Lima noong Huwebes ang pag discredit umano ni Presidential
Spokesman Salvador Panelo kay Bise Presidente Leni Robredo at ang mga nilalaman
ng kanyang ulat tungkol sa anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.
Pinuna rin
ni De Lima si Panelo dahil sa umano’y pagtatangka na siraan ang ulat ni Robredo
"kahit wala siyang kaalaman tungkol sa mga nilalaman nito."
“It is
hypocritical of Panelo to dismiss VP Leni because she didn’t take part in any
ground operations during her 18-day stint when not even the President did so in
all of his 3 ½ years in office,” ayon sa Senadora
“That is
precisely what is wrong with this government: all politics and blusters, no
substance,” dagdag pa niya
Sinabi pa
ni De Lima na siya ang unang mambabatas na nagsimula ng pagpapa imbestiga sa
Senado sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao dahil umano sa anti-drug campaign.
Ang ulat ni
Robredo ay patunay umano na ang publiko ay ‘nagdurusa sa pagpapatupad ng gyera
laban sa droga.’
“Sa sobrang
pamumulitika at porma, winalang bahala ang mga datos?” ani De Lima
“Sa
pagsantabi sa katotohanan ng War on Drugs, panalo ang mga drug lords, talo ang
taumbayan. A failure indeed!,” dagdag pa niya
0 Comments