Dalagang akyat bahay nasakote ng mga tanod, inumit na wallet, cellphones nabawi







Nasakote ang isang 32-anyos na dalaga na hinihinalang isang akyat-bahay matapos ito harangin ng mga barangay tanod na nagpapatrolya sa isang barangay sa Cavite City.

Ayon sa ulat ng Abante, nagkunwari ang suspek na si Lea Gonzales na bahay niya ang pinasukan niya, alas kuwatro ng hapon kamakalawa.



Sa ulat ni Corp. Lynard Pareja ng Rosario Municipal Police Station, nagpapatrulya umano sina Raul Garica, 53 at Chris dawis, 21, kapwa barangay tanod ng Brgy. Bagbag 2 ng naturang bayan nang napansin ang paglabas ng suspek sa gate ng biktima.

Nang sinita si Gonzales ng mga tanod, sinabi nito na lalabas lang umano siya mula sa kanyang bahay.

Dahil nag duda ang mga nagpapatrulya, tinanong ng mga ito  kung anong pangalan ng nakatira sa nasabing bahay, bagay na hindi nasagot ng suspek.



Dahil dito, nabuking ang suspek. Nakuha sa kanya ang  dalawang cellphone at wallet na naglalaman ng P5,400.

Inireklamo si Gonzales ng may ari ng bahay na si Lilibeth dela Cruz, 50, isang balo ng Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite at kasalukuyang naka kulong sa Rosario Municipal Police Station.

Napag alaman din na wala sa kanyang bahay ang biktimang si dela Cruz nang mang ari ang insidente.

Sinira umano ng suspek ang bakod ng bahay kaya nakapasok sa bahay ni dela Cruz ang suspek na hinihinalang miyembro ng akyat-bahay.





Post a Comment

0 Comments