Larawa ng nag aalburotong Taal volcano kanina hapon / mga larawan mula sa Facebook |
Itinaas na sa alert level 4 ang isla ng Taal sa Batangas na
itinuring nang Permanent Danger Zone at mahigpit nang ipinagbabawal ang
magpunta rito.
Kaninang 11 a.m. ay nagkaroon ng phreatic eruption o maliit
na pagsabog sa palibot ng bulking taal at mabilis na umakyat ang alert level
status sa area nito dahil sa ash fall.
Pinalilikas na rin ang mga residente na malapit sa bulkan
lalo na residente lalo na mula sa barangay Agoncillo sa Talisay, Batangas.
Ayon sa update ng Philippine Institute of Volcanology and
Seismology (PHIVOLCS-DOST) sa pamamagitan ng kanilang Facebook page, nasa alert
level 4 na ang status ng ilang lugar sa Batangas dahil sa kapal ng ash fall.
Sa naunang update ng Philvocs kaninang 4 p.m., sinabing
posible nang may magmatic intrusion nang nagaganap, dahilan upang anumang oras
ay maari na itong sumabog.
Marami nang mga larawan at video ang kumalat sa social media
na kuha ng mga netizens na nakasaksi sa pangyayaring ito, lalo na ang mga nasa
Tagaytay.
Kitang kita pa ang pagguhit ng kidlat habang nag aalboroto
ang Taal, na binahagi ni Gevie Egerasa ng Philippine Star.
Samantala, agad naming nakapag handa ang lokal na pamahalaan
ng Batangas para sa anumang susunod na posibleng maging aktibidad ng bulkan.
0 Comments