Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. / File/MalacaƱang Photo |
Nais ni Foreign Affairs Secretary Teodoro
"Teddyboy" Locsin Jr ang hustisya para sa Pilipinang sinasabing
pinatay ng asawa ng kanyang employer sa Kuwait, ayon sa ulat ng Politiko.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang
pahayag nitong Martes (Disyembre 31) na pinatawag umano ni Locsin ang
Ambassador ng Kuwaiti na si Musaed Saleh Ahmad Althwaikh upang maiparating ang pagkagalit
ng pamahalaan ng Pilipinas sa nangyari sa biktima.
“She bashed her head. So I want the head of the
employer’s wife who murdered their Filipina maid,” ayon sa DFA chief
Sa isang hiwalay na tweet, sinabi ni Locsin na ang
pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ay nakasalalay sa hustisya na ibibigay
para sa biktima na hindi pa kinilala.
“The friendship between your country which gives our
people the jobs they cannot find at home and our people whose faithful service
make the life of your people easier depends on justice being done the murdered
maid. An eye for an eye, a life for a life,” ani Locsin
Sa naunang pahayag, sinabi ng DFA na ang Embahada ng
Pilipinas sa Kuwait ay nakikipag-ugnayan nang mabuti sa mga awtoridad ng
Kuwaiti upang matiyak na maihahatid ang katarungan.
Sinabi din ng ahensya na pipilitin nitong magkaroon ng
complete transparency sa imbestigasyon ng kaso at nanawagan ng mabilis na pag-uusig
sa mga nasa likod ng pagpatay sa Pilipinang biktima.
Ayon dn sa ahensya, ang nangyaring ito ay lumalabag sa
diwa ng kasunduan na nilagdaan noong Mayo 2018 sa pagitang ng Kuwait at
Pilipinas na naglalayong maisulong at maprotektahan ang kapakanan ng mga
manggagawang Pilipino.
0 Comments