Umapela si Bise Presidente Leni Robredo ng donasyon nitong Miyerkules para sa mga biktima ng bagyo sa Bicol at iba pang mga apektadong lugar matapos ang bagyong "Tisoy" na nagdulot ng pinsala at pilit na pagpapalikas sa mga residente.
Bilang
isang Bicolana, sinabi ng opisina ni Robredo sa pamamagitan ng kanyang #AngatBuhay
partner, Kaya Natin !, ay tatanggap sila ng mga donasyon para sa mga nasalanta.
Sinabi rin niya
na ang mga biktima ng bagyo ay nangangailangan ng mga gamit para sa pagkukumpuni
ng kanilang mga tahanan, kumot, mga gamit pang banya, tunig, de-lata na mga
kalakal, instant noodles, at iba pang instant na mga pagkain.
Kanya rin
umanong sinusubaybayan ang sitwasyon sa rehiyon ng Bicol sa kasagsagan ng bagyo
mula sa kanyang tanggapan sa Quezon City.
Samantala, umabot
sa mahigit kalahating milyong katao ang nasa evacuation center sa mga lalawigan
ng Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, at Albay, at iba pang
bahagi ng Visayas.
Dahil sa bagyong tisoy ay bahagya ring naantala ang ang Southeast Asian Games na nag-iwan din ng mga sirang bahay at gusali. Kasama na dito ang mga kalsadang hindi madaanan dahil sa baha, mga punong natumba sa daan ang mga lugar na nawalan ng kuryente.
Sa kanyang
naunang Facebook post, binahagi ng ikalawang pangulo na ang kanyang bayan na
Naga City ay hindi maabot sa pamamagitan ng cellular phone o landline.
Nawalan din
umano kuryente ang nasabing lugar, ayon sa mga ulat ng awtoridad sa Camarines
Sur.
“[I have]
been getting a lot of messages from people worrying about their friends and
family. My last contact was at 7 this morning and I was informed that there
were a lot of uprooted trees, flooding, no electricity, etc. Roads are still
not passable until now,” ayon sa kanya nitong Martes
Source: Manila Bulletin
0 Comments