Senator Manny Pacquiao at building ng network giant na ABS CBN (ctto) |
Sa isang panayam noong Sabado (Disyembre 7) kay Senador Manny
Pacquiao sa radio, sinabi niyang kailangang aralin ng maigi ang pag rerenew ng
franchise ng ABS CBN.
“Aaralin nating mabuti ‘yan kasi marami ring ikukunsidera na
mawawalan ng trabaho. So pag-aralan nating mabuti,” ayon sa senador
“Kung kailangang ipasara, isara. Kung ‘di naman nararapat,
we can suggest to the President,” dagdag pa ni Pacquiao
Ayon din sa boxing champ na naging senador, na may
posibilidad na hindi makapag renew ang higanteng network kung mapapatunayan na
ito ay nakagawa ng paglabag sa permit nito upang mapatakbo.
“Pwede nating ikunsidera dahil unang-una, kung may ginawa
ang [ABS-CBN] na ‘di nararapat, eh ‘di ipasara. Pero ikunsidera rin ang
libo-libong taong mawawalan ng trabaho,” ayon kay Pacquiao
Nauna nang nagsampa si Senate President Pro Tempore Ralph
Recto ng panukalang batas para makapag renew uli ang ABS CBN, ngunit ito ay
nakatakdang mag expire sa Marso 2020.
Gayunpaman, hindi rin ito maaring talakayin ng Senado kung
walang maipapasang batas ang House of Representatives na pareho sa panukalang
batas sa ikatlo at pang huling pag basa.
Paulit-ulit na nag banta si Pangulong Rodrigo Duterte na
haharangin niya ang renewal ng network giant na ABS CBN.
“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are
expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re
out,” ayon sa Pangulo
Inakusahan ng Pangulo ang media giant na hindi nito
ipinalabas ang kanyang campaign ad noong 2016.
Inihayag din niya na ang ABS-CBN ay nagpalabas ng anunsiyo
ni Senador Antonio Trillanes na nagpapakita ng mga batang artista kung saan ay
tinawag na mamamtay tao si Duterte.
Source: Politiko
0 Comments