Indonesian President, pinasalamatan at pinuri ang Pinoy surfer na sumagip sa kanilang pambato


Pinasalamatan ni Indonesian President Joko Widodo si Robert Casugay

Labis at taos puso ang pasasalamat ng Pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo sa kabayanihan ni Roger Casugay, ang pambatong surfer ng Pilipinas sa Southeast Asian Games 2019 matapos nitong sagipin ang kapwa surfer.

Sinalba ni Casugay ang katunggaling surfer mula sa Indonesia na si Arit Nurhidaya matapos nitong mahulog sa board.



Sa isang Twitter post, pinuri ni Widodo ang pag tulong na ginawa ni Casugay at pagsasantabi nito nang dapat pagka panalo.

"Winning the competition and upholding sportsmanship is important, but humanity is above all. My appreciation to Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up the golden opportunity to help Indonesian athletes who fell in the race. Greetings from Indonesia"  ayon sa pagsasalin ng post ni Widodo sa salitang Ingles

Samantala, nagkaroon ng rematch ang dalawa kung saan ay nanalo si Casugay at siyang umabante sa finals.



Pinabulaanan din ni Casugay na tinulungan niya si Nurhidaya, dahil pinakalma lang daw niya ito. Sa katunayan, magaling daw itong lumangoy.

Ayon sa chef de mission Butch Ramirez ng Team Philippines, si Casugay ay napiling maging flag-bearer sa darating na closing ceremony ng SEA Games.

“These Games are not only about medals. It is about character, resilience, love for one another and shoring up the faith of the person next to you, something that Casugay has exemplified,’’ ani Ramirez


Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments