Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay hindi
diktador.
Sa isang ulat ng Politiko, sinabi ng pangulo ang pahayag
niyang ito matapos ang mga pag puna sa kanyang umano’y sintomas ng pagiging
diktador.
Madalas nababantan si Duterte ng kanyang mga kritiko dahil sa mga pag labag
daw niya sa karapatang pantao dala ng drug war, mga atake laban sa media, at
hindi pagkilala sa mapagkumpitensyang pag-bid para sa mga proyektong
pampublikong imprastruktura.
Ayon sa Pangulo, ang diktador ay isang lider na gusto lang
pamunuan ang bansa habambuhay.
“Sabihin nila diktador ako? Diktador. Diktador kung ayaw mo
nang umalis. I assure you when my term ends, I will gladly go step down with no
fanfare,” aniya sa isang speech
“But in the meantime that I am here and people expect
problems to be solved, do not be a part of the problem. Otherwise, I don’t
know. You are part of the problem kagaya nitong droga, do not do it.
Mayroon
dito malakas pa rin. Do not do it,” dagdag pa ng Pangulo
Sabi pa niya, kung hindi mako-control ang pagkalat ng ilegal
na droga, maaring nang tawagin na siya ay nabigo sa kanyang pagiging pinuno ng
bansa.
“I am not saying I’m the savior. But I am the President now.
If we cannot control the flow of drugs, then I will consider my presidency a
total failure. So I do not want that to happen,” ayon sa Pangulo.
0 Comments