Lawyer Ferdinand Topacio at Senadora Leila De Lima / Larawan mula sa Rappler at Google |
Kahit di
makapunta o makatungtong ng Amerika, wala
umanong pakialam dito ang Filipino
lawyer Ferdinand Topacio.
Ito ang naging
reaksyon ng abogado matapos maibalitang pinirmahan na ni US President Donald
Trump ang kanilang 2020 budget kung saan kasama ang probisyon na ma-baban sa
kanilang bansa ang ilang opisyal ng Pilipinas na may kinalaman sa pagkakapiit
ni Senadora Leila De Lima.
Para kay
Topacio nitong Martes, mas mahalaga sa kanya na maging parte siya para
manatiling naka kulong habambuhayag ang isang korap at imoral na drug-dealer, na ang umano'y tinutukoy ay si De Lima.
“I don’t
give a rat’s ass if I don’t go to the US anymore for the rest of my life. What
is important is that I do my share in keeping a corrupt, immoral drug-dealer in
jail for the rest of her life. That is much more important,” ani Topacio
Samantala,
samu’t-sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens base sa ulat ng TNT Abante.
Narito ang ilan:
“Mabuti pa
siguro putulin na natin ang ugnayan natin sa US. Ibaling natin ating pakikipagkaibigan
sa Russia at iba pang bansa na marunong rumespeto sa ating soberenya.”
“Correct
maraming bansa na pweding puntahan. At sana nga lang dina makalabas si D5. Yes
4EVER sya sa kulongan”
“Aba dapat lang na sumonod ang Filipino
sa kung ano na sabihin at iutos ng America.Bakit,mayroon ba tayong karapatan
para hinde sumonod sa America?”
0 Comments