Duterte wants completion of gov’t transactions in hours:'Wag pabalik-balikin ang mga tao!'


 President Rodrigo Duterte on Friday (Dec. 20, 2019)  


Bilang bahagi ng plano na putulin ang bureaucratic red tape sa gobyerno, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes  ang mga opisina ng gobyerno na tapusin ang lahat ng mga transaksyon sa loob lamang ng oras.

Ang bagong directive na ito ng pangulo ay lumabas isang buwan matapos ang kanyang binigay na ultimatum na dapat kumpletuhin na ang mga papeles ng mga tanggapan ng gobyerno sa kalagitnaan ng December.



Binigyang diin ni Duterte na hindi na niya papayagan ang mga empleyado ng gobyerno na pahabain ang mga proseso para makapangikil pa sa mga tao.

“I’m warning again the bureaucracy. Dito man ang mga secretary, madali man nila (Cabinet secretaries are here and they can act on it). I do not want papers to be acted by days. I want it by hours,”  ayon sa pahayag ng pangulo sa isang seremonya sa National ROTC Summit at ang kauna-unahang Presidential Silent Drill Competition sa Quirino Grandstand sa Maynila.



“If you are a director, do not hang on it. Huwag mong upuan ‘yan kasi pabalik-balikin mo ang tao hanggang bumigay ng pera (Do not sit on it and let the public spend too much time going back and forth until they are forced to give you money),” dagdag ng Pangulo

Isa sa reklamo ng pangulo ang napaka bagal na proseso sa pagkuha ng mga permit at iba pang dokumento na gumugugol ng maraming oras.

Noong November 22, sinabi na ni Duterte na nais niyang apusin ng lahat ng tanggapan ng gobyerno ang kanilang mga nakabinbing transaksiyon sa Disyembre 15 ngayong taon.



Sa ika-44 na pulong ng Gabinete noong Disyembre 2, inaprubahan ni Duterte ang panukala na i-streamline at i-automate ang mga proseso ng mga ahensya ng gobyerno upang mapag-buti pa ang klima ng negosyo sa bansa.

Gayunpaman, hindi siya nag-banggit sa kanyang pinakabagong pananalita kung sinusunod ba ang kanyang direktiba.



Nitong June 2019, hiningi ng Pangulo ang pagpapalabas ng isang executive order na mag-streamline ng mga proseso ng gobyerno at magtatakda ng isang timetable sa paglabas ng mga pampublikong dokumento sa ilalim ng mga sangay ng ehekutibo.


Source: PNA

Post a Comment

0 Comments