Binalaan ni
Senador Leila de Lima si Justice Secretary Menardo Guevarra na ang kasaysayan
ay hindi magiging mabuti sa kanya at sa kanyang pamamahala sa administrasyong
Duterte.
Ayon sa ulat ng Politiko, sinabi ni
De Lima na hindi lang ang US Resoslusyon ang kanyang ibinasura kundi ang
pananaig umano ng batas sa Pilipinas.
“Secretary
Guevarra, hindi lang ang US resolution ang ibinasura mo. Ang pinaka-una mong
ibinasura ay ang pananaig ng batas at hustisya sa Pilipinas, mula noong nagsuot
ka na ng mga tapalodo sa mata para hindi mo mapansin ang kahindik-hindik na
paglapastangan sa batas na ginagawa ni Duterte,”ayon sa Senadora na ang tinutukoy ay si deputy
of Executive Secretary Paquito Ochoa.
Pinayuhan
naman ni Guevarra si De Lima na hintayin na lamang ang kanyang pag lilitis at
binigyan diin na lumabag sa batas ang resolusyon ng US.
“That is
easy to say for someone not in prison, and who is responsible for the
continuation of injustice that is my incarceration based on fabricated
charges,” Ayon kay
De Lima.
“Like
his predecessor (Vitaliano Aguirre), this Secretary of Justice has discarded
rule of law when he allowed criminal convicts to stand as state witnesses
against me, in violation of the law,” dagdag niya
Kamakailan
lang ay inaprubahan ng United States Senate foreign relations committee ang
isang resolusyon para ikondena ang gobyerno ng Pilipinas laban sa patuloy na
pagpapakulong kay De Lima.
Ang US
Senate Resolution 142 na isinampa noong Abril 2019 ay nagkokondena ng
pagkakaaresto kay De Lima kasama na ang harassment umano sa mga journalists
katulad nalang ng Rappler CEO na si Maria Ressa.
0 Comments