Pinatutsadahan ni Senator Panfilo Lacson si Pangulong
Rodrigo Duterte na pawang pag bale-wala at pag abswelto nito sa mga di umano’y iregularidad
sa 3oth Southeast Asian Games 2019.
Sinabi ni Lacson na basta kaalyado ng pangulo ay parang wala
agad bahid ng korupsyon ang isang opisyal ng gobyerno.
Ang komento na ito ni
Lacson ay matapos lumabas ang naging pahayag naman ni Pangulong Duterte na
sigurado umano siyang walang korupsyon ang Phisgoc chairman na si Cayetano
“When it comes to his close allies, the President regards
them as ‘lily-white driven snow’ who are infallible and incorruptible. And we
all know that’s not accurate,” ayon kay Lacson.
“When his allies are involved, there’s no hint of
corruption. We all know that’s not true. [It’s as if] there’s no need for an
investigation because they are incorruptible,” dagdag ng senador
Naunang sinabi ni Lacson laban kay Cayetano na tila kapareho
ng pork barrel scam ni Janet Napoles ang ginawa ng Phisgoc nang makuha nito ang
P1.5-billion pondo ng hindi dumadaan sa tamang bidding.
“Remember, individuals had been charged and convicted using
a private foundation as a repository of public funds. That’s the Napoles case.”
Ayon sa pahayag ni Lacson noong Nobyembre.
“After the SEA Games, if a member of the Senate blue ribbon
committee will file a resolution or deliver a privilege speech in that regard,
a Senate… inquiry is in order and will definitely be conducted,” aniya
Source: TNT Abante
0 Comments