Buking ang modus ng isang lalaking nagpapanggap na may sakit para makahingi ng tulong



Mga larawan hango mula sa Facebook/Jessant So



Hindi na nakatiis ang isang netizen sa pag papanggap ng isang lalaki na biglang hinihimatay at dahil di umano ay may sakit ito.

Sa pahayag ni Jessant, nag simula pa sa Albay ang panloloko ni Baleleng, sumunod naman ay sa Sorsogon at hanggang sa kamaikailan nga ay sa Maynila naman.

Inilahad na netizen na si Jessant So, ang pagkukunwaring may malubhang sakit ang isang lalaking kinilalang si Daniel Peretero Jebulan o mas kilala bilang si Baleleng. 



Modus ni Baleleng

Dagdag pa ni Jessant, nagpapanggap si Baleleng na may malubhang karamdaman at nagkukunwari itong hinihimatay hanggang sa makakuha ito ng tulong mula sa mga taong nagsisimpatya sa kanya.

Ayon pa kay Jessant, sasakay ng pampasaherong van si Baleleng at biglang aarte sa kalagitnaan ng byahe, at kunwari’y mangingisay at maya maya pa’y mawawalan malay.

At dahil matataranta ang ibang mga pasahero na kasakay nito, di nag-atubiling isusugod ito sa ospital at kakaawaan para magkapera.

Sa katunayan  pa nga ay nakunan ito ng video kung saan ay kunyari itong nanghihina at hinimatay.
Maging ang ilang mga Lingap Centers ng LGU sa Sorsogon ay naisahan din nito.



Bistado na umano ang Modus nitong Baleleng sa Albay at Sorsogon, kaya naman naghanap na ito ng ibang lugar kung saan ay makakapanggantso pa ang nasabing manloloko.

Larawan hango mula sa Facebook/Jessant So



Maging si Yorme Isko ay nabiktima din

Kaya naman maging ang masipag na alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ay nagawa ring malinlang ni Baleleng.

Ngunit, iba ang pagpapanggap ni Baleleng kay Mayor Isko, bagaman ginagamit pa din nya ang kanyang Modus na nagkukunwaring nahihimatay, hiniling naman nito na makita ang butihing alkalde na matagal na umano nitong pinapangarap na matupad para sa amang may malubhang sakit na kanser.

At syempre, malugod namang pinagbigyan ni Yorme ang simpleng kahilingan nito, at may kalakip din na kaunting tulong mula sa masipag na Mayor ng Maynila.


Ayon pa sa post ni Jessant, maging ang sikat na programa ni Idol Raffy Tulfo in Action ay nahuthutan na din umano nito.

Nais ni Jessant na balaan ang publiko sa post nyang ito lalo pa at dumarami ang mga nabibiktima ni alyas Baleleng.  

Larawan hango mula sa Facebook/Jessant So







Post a Comment

0 Comments