Dating BJMP Mimaropa chief Gerald Bantag / larawan mula sa ABS CBN |
Para sa ilang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor),
ang pinakamagandang regalo na matatanggap nila ngayong Pasko ay ang
pagpapatalsik ng kanilang director general.
Ayon sa ulat ng Inquirer, may mga empleyadong hindi
nagpakilala ang nanawagan sa pangulo sa pamamagitan ng open letter na patalsikin
si Gerald Bantag dahil sa pagiging corrupt umano nito.
Sinabi rin ng mga concerned citizens na nakagawa si Bantag
ng “other forms of graft and corrupt practices in the highest order,” kung saan
nagbanggit din ito ng mga pagkakataon na inabuso ng opisyal ang kanyang
awtoridad.
“This will be your greatest Christmas gift to BuCor, Mr.
President, Sir!” Ayon umano sa mga empleyado.
Ayon din sa grupo, na insulto sila sa “sweeping
generalization” ni Bantag na nagsasabing halos 95% ng mga opisyal and empleyado
sa BuCor ay corrupt ng ‘walang basehan o ebidensya’ para suportahan ang bintang
sa kanila.
Dagdag pa ng mga kawani, tuwing may meeting ay patuloy umano si Bantag sa ‘pag mumura ‘ sa kanila,
bagay na nag papakita na hindi ito propesyonal at unethical pa.
Nagbanta pa umano si Bantag na mag re-reassign ito ng mga
tauhan sa mas malalayong piitan at may ‘blessing din umano ito ng pangulo’.
Binahagi din ng grupo ang nangyari sa isang opisyal na napilitang
mag resigned dahil ililipat ng ibang destino ng walang paliwanag mula sa nakatataas.
Si Bantag ay naging director general ng BuCor noong October,
siya ay dating head ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa
Mimaropa region.
0 Comments