Palace claims Aquino gov’t has done nothing in PH infra: Zero ang nagawa!

Mga larawan mula sa Philstar at Inquirer




Kontra sa sinabi ng oposisyon, sinabi ng Malacañang na walang nagawa ang programang imprastraktura ng gobyerno ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ang statement na ito mula kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay lumabas matapos tawagin ni Senador Franklin Drilon na programang  Build! Build! Build! ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang ‘malungkot na pagkabigo’.



“One must admire the effrontery of Sen. Frank Drilon for saying that the Build Build Build Program of President Rodrigo Roa Duterte is a dismal failure, coming from someone who was one of the 
pillars of the previous administration that has a zero accomplishment in its infrastructure program.  Such chutzpah is matched only by his obvious ignorance on the accomplishments of the present administration,” ani Panelo kahapon, Miyerkules.

“Senator Drilon is either too lethargic to get his facts straight or is unable to contain the opposition’s penchant to foist false narratives. The facts cannot be any clearer,” dagdag niya

Nabanggit rin ni Panelo ang 12.7 porsyento na paglago sa industriya ng konstruksyon ng bansa simula 2016 hanggang 2018.



Ayon naman kay Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects Vince Dizon: nakumpleto na umano ng gobyerno ang mga pangunahing proyekto, tulad ng NLEX Harbour Link na Segment 10, Gobernador Miranda Bridge (Davao del Norte), Laguna Lake Highway; Pigalo Bridge, TPLEx - Pozorrubio; Bohol - Panglao International Airport, Cagayan de Oro Passenger Terminal Building; Cavite Gateway Terminal, Communications Navigation System / Air traffic Management, at New Clark City.

“There are 35 constructions ongoing, 32 projects to commence construction within 6-8 months, 21 are in the advanced stages of government approval and 12 in the advanced stages of feasibility studies. 38 projects will be completed by 2022, 22 will be partially operational or at substantial completion, and 40 are to be completed beyond 2022,” dagdag ni Dizon

Sa kabila ng mga hamon, tiniyak ng tagapagsalita na ang gobyerno ay agaran ang pagpapatupad ng mga pangunahing proyekto, alinsunod sa batas at naaangkop na mga regulasyon.



“The President remains committed in his vision to enable Filipinos to enjoy a ‘matatag, maginhawa, at panatag na buhay’. Ayon kay Panelo


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments