Pulis patay matapos isakripisyo ang sarili para protektahan ang mga estudyante








Patay ang isang pulis mula sa Misamis Oriental matapos nitong iharang ang sarili mula sa pagsabog ng isang granada para iligtas ang mga estudyante.

Ayon sa ulat at video na kumalat sa social media, isang report ang natanggap ng Initao Police Station tungkol sa isang lalaki na may dala umanong Granada at palakad lakad sa loob ng Initiao College.



Rumesponde naman sa insidente ang pulis na si Police Major Seargent Jason Magno.

Sa gitna ng komprontasyon ay biglang hinagis ng suspek ang granada na ikinasawi ng rumespondeng pulis.

Naiulat din na may sampung katao pa ang nasaktan sa insidente na agad namang isinunugod sa ospital. Samantala, namatay din ang suspek matapos barilin ng isa pang pulis na dumating.



Ang hindi pa nakikilalang suspek ay nabaril ni Police Major Sargeant Alice Balido, na partner ni Magno.

Umulan naman ng pakikiramay para sa pamilya sa pamilya ni Police Major Magno. Narito ang ilan:

“Saludo po ako sa inyo sir, rest in peace po at condolence po sa family.



“Snappy salute sir.may u rest in peace and Goc bless ur bereaved family

“he is in the group of those heroic men who died in the field which saves the lives of many comrades when a grenade is thrown at their position. . .he posed himself as their cover by lying over the grenade. . . rest in peace Sir


“You earn my best SYMPAHTY and RESPECT I Honor you Sir may you have a best place in heaven with our Almigthy God




Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments