Mayor ng Pasay naalarma sa sunod-sunod na pagkawala ng 9 na kabataang may edad 15-23



Mga larawan ng 9 na naiuulat na mga nawawala sa Pasay / larawan mula sa Inquirer


Dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng siyam na tao sa Pasay City, naalarma na ang mga residente pati na si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Ayon sa report ng GMA News, naganap ang pangyayari mula Nobyembre 20-22 at edad 15-23 ang mga nawawala.



Kasalukuyan na ding nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya na pinangunahan ni Pasay police chief Col. Bernard Yang.

At ayon din sa ulat, maliban sa ang lahat ng nawawala ay taga Pasay, wala na silang ibang koneksyon sa isa’t-isa.

Ang tatlo sa mga nawawala ay pawing mga taga Barangay 14 kung saan sila huling namataan na sina Norealle “Ikoy” dela Torre Butiong, edad 21; Gil Josh Ramirez, edad 18; at Leogee Tiposo, edad 23.



Samantala, ang pinakabatang nawawala ay magkakaibigan na sina Reine Louisse de Ocampo, 15; at Kojie “Lucky” Marquez, 16.

Noong Nov. 20 umalis umano si Reine ng bahay bandang 5 ng hapon, samantala, si Kojie naman ay huling nakita sa isang fastfood sa Pasay Rotonda nang parehong araw.

Sa parehong petsa din nawala sina ohn Samuel Esguerra at Niña Jane Ignacio, parehong may edad na 19.



Samantala, November 21 naman daw Nawala si Roujen Serban, 21, sa Barangay 15 kung saan siya nakatira.

Ang pagkakakuha naman daw kay Sebastian “Baste” Montoya edad 22, ay nahagip ng isang CCTV kung saan makikita umanong siya ay pwersahang sinakay sa isang van.

Dahil sa footage na ito ay nakuha ang plaka ng Toyota Hiace van na may plate number AEA 1051 na huli daw namataan sa Libertad sa Arnaiz Avenue.

Kinumpirma naman ng Land Transportation Office nap eke ang plakang ginamit ng van dahil sa isang Toyota Vios umano nakarehistro ang plaka.

Dumagdag naman sa pag-aalala at takot ng mga residente ang mga napapabalitang bentahan ng ng mga laman loob ng tao kaya matinding pag-iingat din ang payo ng mga pulisya.


Source: KAMI, GMA News



Post a Comment

0 Comments