Keeping Duterte’s critics close: Robredo to meet with UN, US officials to seek help on drug war



Vice President Leni Robredo / photo via CNN PH


Nakipag ugnayan umano si Bise President Leni Robredo sa mga kinatawan mula sa United Nations (UN) at United States (US), na parehong kritiko ng giyera laban sa droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang paglapit umano na ito ni Robredo sa UN at US ay para humingi ng tulong sa kanila sa paglaban sa ilegal na droga.


Ayon sa isang report ng politiko, nakatakdang makipag pulong ang bise presidente sa mga kinatawan ng nabanggit sa susunod na linggo.

“Iyong tulong ng US sa drug war, lalo na sa intelligence-gathering, very important. So within the week, makikipag-meeting tayo sa officials ng US Embassy para maayos iyong daloy ng pagtutulungan at ng impormasyon,” ani Robredo sa isang event sa Quezon City.

Sinabi rin ni Robredo na ang kanyang sadya ay para malaman ang tungkol sa kanilang pag-aaral sa iligal na droga, pati na rin ang pinakamahusay na kasanayan ng iba pang mga bansa.



Ito rin ay dahil nais umano niyang maging bukas sa maraming source ng impormasyon tungkol sa drug trade.

“Hindi puwedeng fini-filter iyong information, kasi gusto nating seryosohin iyong papapuntahan nito. Tingin ko mas magiging effective iyong campaign kung nararamdaman ng tao na kabahagi sila ng kampanya,” ani Robredo


Nauna nang binati ng US Ambassador sa Pilipinas na si Sung Kim si Robredo sa bagong posisyon nito at sinabing inaasahan ng US na makatrabaho siya para mabawasan ang supply ng iligal na droga sa bansa.

“We look forward to continuing to work together as #FriendsPartnersAllies to support Philippine government drug demand reduction efforts,” ayon kay Kim sa kanyang twitter post


Ang UN at US ay kinondena rin ni Pangulong Duterte dahil sa pagpuna ng mga ito sa polisiya ng gobyerno kung paano lalabanan ang ilegal na droga.


Source: Politiko


Post a Comment

0 Comments