Vice President Leni Robredo at President Rodrigo Duterte / Larawan mula sa Philstar |
Kahit malayo pa ang eleksyon ay nangampanya na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na huwag iboto si Vice President Leni Robredo kung ito man ay kakandidato bilang pangulo.
“Ang hindi ko malaman kung namulitika ka. Pero kung namulitika, alam ko sabihin sa Pilipino, ‘P***** i** ka. Huwag kayong magboto diyan kay Leni. Kawawa kayo’,” ayon sa pahayag ng Pangulo sa Davao City.
Ang sinabing ito ng pangulo ay kasunod ng pag kondena ni Robredo sa kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga sa bansa.
“Pagka tinanggap ni Leni… If anything that has to do with drugs and criminality, you ask her. Siya ang ilagay ko. Tingnan natin. Hindi na ako makialam. Sabihin mo sa kanya tanggapin niya. Sisikat siya diyan. Hindi ko nakayanan, baka kaya niya." ayon sa pangulo
Dagdag ni Duterte, wala na umanong sinabing maganda si Robredo para sa pulisya.
“Ito si Leni wala na magandang sinabi para sa pulisya. Wala silang ano. Wala silang connect talaga. Lahat ng gagawain ng military pati police ma — either masama, hindi tama. So ‘yan ang problema ko kay Leni." ayon sa pangulo
"Kung ‘yan ang maging presidente, hindi alam ‘yung batas, na ang pulis pala ay pwede magtanggap according to the Anti-Graft and Corrupt Practices Law,” dagdag pa nito
Kinuwestyon naman ng Bise Presidente ang sinseridad ng Pangulo na italaga siya bilang drug czar, dahil sa text message lang umano idinaan ang offer na ito.
Source: Politiko
0 Comments