CPP calls for immediate release of ailing senior NPA spokesman: Respeto nalang!


Jaime "Ka Diego" Padilla / larawan mula sa Inquirer



Umapela ang grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong Miyerkules nang agarang pagpapalaya kay Jaime "Ka Diego" Padilla, tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) sa Southern Tagalog.

Si Padilla ay may nakatakdang warrant of arrest para sa mga iba’t ibang kaso ng pagpatay at kidnapping at siya ay kasalukuyang sumasailalim sa medical check-up sa Cardinal Santos Medical Center nang siya ay naaresto, Martes ng gabi.



Sinabi ng grupo na si Padilla ay may sakit sa puso at marami pang karamdaman na dala ng katandaan.

“Ka Diego, who is in his senior years, is suffering from heart problems and various physical ailments. With the material support and various assistance of friends and allies of the CPP and NPA, he was brought to Manila to undergo diagnostics and medical treatment,” ayon sa pahayag ng grupo.

Nanawagan din sila sa gobyerno na huwag nang ituloy ang mga kaso laban kay Padilla. Ayon sa grupo, dapat ding bigyan ito ng access sa kanyang abogado at atensyong pang medical.



“The Party demands that he be accorded full respect which he deserves as a revolutionary activist and humble servant of the people,” payahag ng rebeldeng grupo

Sa nagdaang tatlong taon, sinabi ng NPA na ang tagapagsalita nila ay naging kinatawan ng kanilang pwersa sa Southern Tagalog sa pakikipag ugnayan nito sa media at sa publiko.

Si Padilla ay patuloy na naglalantad ng mga maling impormasyon na nagawa ng administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte pati na rin ang pagtuligsa sa mga malubhang krimen kasama ang pang aabuso ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mamamayan.


“The AFP has long wanted to silence Ka Diego. His arrest, however, will fail to suppress the truth about the oppression and the struggles of toiling masses of Southern Tagalog against the tyranny and state terrorism of the Duterte regime, the grave exploitation of workers and peasants, and the imperialist and big corporate plunder of the rich resources of the region,” ayon sa grupong rebelde


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments