Senator Bong Go / photo file from Philippine Star |
Mismong si Senador Bong Go ay nahihiya sa tungkol sa kontrobersya
na inabot ng Southeast Asian Games na maaring maging isang ‘disaster’ para sa
bansa at kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, sa isang privilege speech ay upang umapela sa
mga bashers o kritiko na huwag nang dagdagan pa ang kahihiyang maaring kaharapin
ng Pilipinas, dahil ang flop sa SEA Games ay dadalhin ng buong bansa hindi lang
ng Pangulo.
“Sobrang nakakalungkot po na sa mga panahong ito, may ilan
sa mga kababayan natin na pumapalakpak sa maling rason—pumalakpak dahil gusto
nila tayong pumalpak,” sambit ng senador
“Ganitong pag-uugali ba ang gusto nating ipakita sa ating
mga bisita at karatig bayan? Ganitong pag-uugali ba ang gusto nating ipamana sa
ating mga kabataan?” dagdag niya
Ayon pa kay Go, hindi ito ang panahon upang mag turuan ngunit
maaring panagutin ang responsible pagkatapos ng palaro.
“Hindi po dapat ganyan ang maging attitude natin ngayon.
Mataas ang expectation ng buong mundo sa atin bilang host ng Southeast Asian
Games. The reputation of the country is at stake,” anito
“Huwag tayong
magturuan ngayon. But after the games, papanagutin natin ang dapat na managot,”
ayon kay Go
Noong Linggo ay humingi ng tawad si Speaker at PHISGOC
Chairman Allan Peter Cayetano matapos ma-stranded ng maraming oras ang ilang
atleta sa airport.
Bukod umano ditto ay nadala pa ang mga nasabing atleta sa
maling hotel, na kung saan nakatanggap ng matinding puna mula sa ilang kritiko.
"Sa mga foreign teams, talagang we are apologizing for
the inconveniences or if I may call it inefficiencies or miscoordination,"
ayon kay Cayetano
"Handang handa tayo na magbigay ng world class hosting,
but even in world class hostings, tao tayo. Hindi perfect. Doon sa 75 arrivals,
a great majority, 95 percent ay medyo natutuwa. For $50 a day, ang gaganda ng
hotel na titirahan nila," saad din nito
0 Comments