Aktwal na pangunguha ng "puting van" sa kanilang bibiktimahin, na huli cam!





Kamakailan lang ay napabalita ang sunod-sunod na pagkawala ng siyam na tao sa Pasay City, na may edad na 15-23 anyos. Ang balitang ito ay lubhang ikinabahala ni mga atoridad maging nang mayor ng Pasay.

Kasunod nito ay lumabas ang isang CCTV footage nang di umano’y pangunguha ng isang puting van ng mga taong kanilang bibiktimahin.



Ang nakakakilabot na balitang ito ay iniuugnay pa rin sa sinasabing bentahan ng lamang loob na dati nang naging usap-usapan sa social media.

Sa nasabing video ay makikita ang isang lalaking nakatayo lang sa gilid ng daan habang nag ce-cellphone.

Makalipas ang ilang segundo ay may isang puting van ang huminto sa harap ng lalaki at mabilisan itong sapilitan na isinakay.



Ayon sa post ng Facebook page na Villamorthodox, kuha umano ang CCTV sa Mandaluyong bandang alas nuebe ng gabi.

Sa naunang mga insidente ng pagkawala sa Pasay, sinabing walang koneksyon sa isa’t isa ang mga nawawalang indibidwal.


May katotohanan man o wala ang nasabing mga balita, magsilbing babala sana ito sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras.



Post a Comment

0 Comments