Actress Agot Isidro and Senator Bato Dela Rosa / file photo from Inquirer and Philstar |
Pinuna ng aktres na si Agot Isidro si Sen. Ronald “Bato”
dela Rosa dahil sa pagbibigay ng huli ng “unsolicited advice” umano kay Bise
Presidente Leni Robredo, kung paano ang gagawin nito sa kanyang bagong role
bilang co-chair sa drug war.
Ayon sa kanyang post sa Twitter, pinaalalahanan ni Isidro si
Dela Rosa na mas mataas ang posisyon o ranggo ng Bise Presidente kaysa isang
senador.
“Reminder Mr. Dela Rosa: VP > Senator. Konting respeto sa
pananalita,” ayon kay Isidro.
Naunang nang nagbigay ng payo si Dela Rosa kay Robredo huwag
daw maghanap ng pondo ang huli at gamitin lang kung anong meron.
“Kung ano meron dyan, gamitin mo na. Huwag ka na munang
maghanap ng kung ano-ano pang iba pondo dyan.” Ani Bato
Si Robredo, ang bagong itinalagang co-chairperson ng
Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ni Pangulong Duterte.
Si Isidro, isang matatag na kritiko ng administrasyong
Duterte, paunang pinayuhan si Robredo sa pamamagitan ng Twitter post din na
huwag tanggapin ang position dahil si Duterte ang gumawa ng “kalat”.
“Kung ako si VP Leni, di ko yan papatulan. Sasabihin ko
lang… Ikaw ang nangako. Ikaw ang nagkalat. Ikaw ang maglinis,” ani Agot sa
naunang tweet
Source: Abante
0 Comments