Tindera na nakapwesto sa garahe, pilit pa rin pinaalis umano ng mga tao ni kagawad

Photo courtesy of Facebook



Isang netizen ang nag-post sa social media, ng CCTV footage ng clearing operations na naganap sa Parañaque City kamakailan.

Sa ibinahagi ng KAMI, makikita sa CCTV footage, ang mga vendors na nakapwesto sa loob ng isang garahe.



Ayon sa Facebook post, ang mga nasabing tindera sa umuupa na lamang sa garahe upang hindi sila makasagabal sa sidewalk.

“Ito ay para bigyan ng paliwanag tungkol sa clearing na pinatutupad dito makikita na ang vendors ay umupa nalang sa garahe upang dina makasagabal sa side walks at ang bantay ay isang batang babae na hinaras ng tauhan ng brgy,” ang sabi sa post.

Sa kabila na ang mga vendors ay nasa loob na ng garahe nakapwesto, nakuha pa ding kumpiskahin ng mga tauhan ng barangay.



Kitang-kita sa CCTV kung paano sapilitang pinaalis at kinuha ang mga paninda ng mga pobreng vendors na nagsisikap maghanap-buhay ng marangal.



Hanggang sa mga sandaling ito, wala pa ring paliwanag ang barangay sa ngayon.

Maraming netizens ang  hindi natuwa sa ginawa ng mga tauhan ni kagawad. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:



“Bakit kinuha p eh nkatago nman wala s bangketa pra b mkain nilang mga salbahe cla”

“Ang daming abusado”

“Nasa luob n hinatak pa din palabas ang alam ko ung mga nasa tabi lang ng daan ang bawal aba nasa loob n yan ng bakuran hinatak pa palabas mga hinayupak pa tanggal n yan sa serbisyo mga wlang utak”

“Hnd na pwdi Yan,abosu nayan,subra na talaga,gnagawa nila”

“Pa bayaran mo sa kanila lahat yan, wla ka naman sa side walk eh”



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments