Tama ang 6 na buwan! DOLE, hindi pabor na gawing 2 taong probationary period para sa mga empleyado


President Rodrigo Duterte talks with Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III / photo file from ABS CBN



Kamakailan lang ay naiulat na nag sumite ng panukala si Ang Probinsyano party-list Representative Jose "Bonito" Singson Jr. na gawing dalawang taon ang probationary period ng mga empleyado bago gawing regular upang mas maging qualified ang mga ito, sa ilalim ng House Bill 4802.


Bagay na di naman sinang ayunan ng Department Of Labor and Employment (DOLE) dahil masyado umanong mahaba ang dalawang taon at tama na ang anim na buwan.



Masyadong mahaba


Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kahit daw pumasa pa sa Kongreso ang naturang panukala, kanila pa ring irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-reject ito.


"Hindi namin alam ano ang dahilan kung bakit nag-sponsor ang Ang Probinsyano party-list ng a longer period of probation. With due respect, ang DOLE has a different position kasi masyado naman atang mahaba 'yan," ani Bello


"Tama naman 'yung six months (na probationary period) without prejudice kung mayroong usapan, may agreement between the employer and employee na they can have a longer period. Otherwise dapat sundin 'yung probationary period na six months," aniya



"After six months, regular (status), automatic na," dagdag pa ng Labor secretary.


Hindi nararapat irekomenda


Binigyang-diin ni Bello ang hindi pag rerekomenda sa House Bill 4802 dahil mas kawawa ang mga empleyado.

"Congress will decide and of course the President. Assuming na papasa and the President will ask the Department of Labor kung ano ang posisyon namin, we will recommend a veto, kasi kawawa naman ang ating mga manggagawa," anito. 



"Ayaw na ayaw ng ating Pangulo 'yung 5-5-5. 'Yung mga pasaway na employer, para hindi ka maging regular, after five months tinatanggal ka muna. After an interval of one or two months, ire-rehire ka just to avoid 'yung pagiging regular na employee," saad pa ni Bello


Imbes tuldukan, lalong lalala


Maliban kay Bello, pinalagan din ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang panukala na ito ni Singson.


Ayon kay Gaite, hindi dapat payagan na ma-extend pa ang probationary period ng mga mangagawa dahil lalo itong mapag kakaitan ng karapatan sa security of tenure at mga benepisyo na dapat nilang natatanggap.



Giit pa nito, kung pahahabain ang probationary period ng dalawang taon, higit lamang umano tatagal ang panahon na walang kasiguraduhan ang employment status ng mga empleyado.


Imbes na matuldukan ang kontraktwalisasyon sa bansa ay lalo lamang umano itong lalala.


Samantala, ayon naman sa explanatory note ng panukala na hindi sapat ang six-month period lalo na para sa mga posisyong kailangan ng espesyal na kakayahan kaya ang kadalasang nangyayari ay natatanggal sa trabaho ang mga empleyado bago ang expiration ng probation.





Ang Probinsyano Rep. Bonito Singson / photo from Facebook




Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments