Payag ka? Kongresista, may panukala na gawing 2 taon ang probationary period ng mga empleyado



Probinsyano Ako Party-list Rep Bonito Singson (left) / photo collage from Facebook and Abante 


Payag ka ba kung mula anim na buwan ay gagawing dalawang taon ni Probinsyano Ako party-list Representative Jose "Bonito" Singson Jr. ang probationary period ng mga empleyado?

Ayon kay Singson, hindi umano sapat ang anim na buwan para masabing qualified ang isang manggagawa bago ito ma regular sa trabaho.  


Ayon sa ulat ng GMA News, nai-file na ang House Bill 4802 sa House of Representatives na naglalayon na gawing dalawang taon ang probationary period ng mga empleyado sa bansa.

"Considering the advent of technological advances in various industries, the probationary employees must undergo a series of developmental training and assessment to ascertain their ability to do the job," ani Singson.

"In every stage of the development, the probationary employee must satisfy a set of standards to qualify. These processes demand more time, which in a lot of cases takes more than six months," dagdag pa nito



Samantala, pinalagan naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang panukalang ito.

Ayon kay Gaite hindi dapat payagan na i-extend ang probationary period dahil lalo nitong pagkakaitan ng karapatan ang mga manggagawa sa security of tenure at pagtanggap ng mga benepisyo.

Giit pa ni Gaite, kung pahahabain ang probationary period ng dalawang taon, higit lamang tatagal ang panahon na walang kasiguraduhan ang employment status ng mga empleyado.


Sa halip na tuldukan mas lalala pa umano ang kontraktwalisasyon sa bansa.


Source: KAMI




Post a Comment

0 Comments