Mabentang-mabenta sa social media ngayon ang isang post ng
netizen kung saan kayang pinakita ang isang lugar sa Davao City sa pinupuntahan
ng mga tao.
Napapanahon ito sa nalalapit na Undas, kung saan ang
karamihan ay ppunta ng sementeryo para alalahanin ang mga mahal sa buhay na
sumalangit na.
Samantalang ang isang bakanteng lote naman sa Davao City ay
tila ginawang sementeryo na tinaguriang “SCAMenteryo” ayon sa KAMI.
Ayon sa report ng
ABS-CBN News, ang lugar na ito ay ginawang “libingan” ng mga kilalang investment scam sa
bansa tulad ng Rigen, Ever Arm, Titan, Aman, at iba pa.
Sa kabilang banda naman ay kasalukuyan pa ring
pinaglalamayan ang kontrobersyal na Kapa Inc. na naging laman ng balita ilang
buwan ang nakalipas.
Habang, sa nasabing lugar na ito ay nakahimlay ang mga
batikang inggitera, tsismosa, at pakialamera mula sa iba’t ibang bahagi ng
Davao.
Labis na ikinatuwa ng mga netizens sa kakaibang atraksiyon
na ito. At marahil maganda ring labasan ng hinanakit ng kalooban para sa mga
taong minsan ay nasawi at naging biktima ng mga nakahimlay sa tinaguriang “SCAMenteryo.”
Narito ang mga komento ng mga netizens sa Facebook:
“Prang Sagada ito,
nakahiwalay ang libingan ng mga noble at salbahe”
“Sana pagtapos ng
libingan na to. Move on na. Ibaon na sa limot dahil patuloy lang masasaktan kng araw araw mong iisipin na niloko ka.”
“memorial Park sa mga
tsismosa Etc.”
“Libing mo narin jan
ung mga di nagbabayad ng utang!!!!!”
“RIP mga chismosa”
“Paki sama niyo nman
po yung mga taong paasa”
“Tama isama na rin
pati Yung mga bogus”
Source: KAMI
0 Comments