Netizen na-scam, laman ng package na inorder mula sa online store, isa palang "bato"!

Photo courtesy of Facebook/Jay-Anne Kristi Mauricio Pame



Masamang-masama ang loob ng isang online shopper sa kanyang natanggap na package na taliwas naman sa kanyang inorder.

Ayon sa salaysay ng online shopper na si Jay-Anne Kristi Mauricio Pame, matagal na raw siyang tumatangkilik sa online store na ito at ito rin ang unang beses na nakaranas ng kapalpakan.



Nawiwili syang umorder ng mga items sa online store na ito dahil sa malaking kaginhawahan ito para sa kanila.

Ikwinento ni Jay-Anne ang kapalpakang nangyari sa kanyang inorder na sana ay battery ng camera sa sikat na online shopping na Lazada.

Bagaman aminado sila ng kanyang asawa na hindi nila nabuksan agad ang package na dineliver sa kanila ng Ninja Van delivery service.



Nang kanilang buksan ang package, laking gulat niya nang makitang bato ang laman na dapat sana ay battery na order nila.

Unang pagkakataon daw itong nangyari sa kanila kaya naman ini-report agad nila ito sa nasabing online store.

Mabilis namang itong rumesponde ngunit sinasabi nitong maaring ang sa nag-deliver nagkaroon ng problema. Maaring ang nagdeliver daw ang nagpalit ng kanilang item na ipadadala.



Dahil sa nangyari, nais ni Jay-Anne na magsilbing babala raw ito sa mga tumatangkilik sa online stores.

Siguraduhin daw na i-check agad ang item sa harap mismo ng nag-deliver upang ma-report agad kung mayroon mang problema gaya na lamang ng nangyari kina Jay-Anne.


Narito ang kabuuan ng kanyang ng kanyang kwento:





Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments