Usap-usapan sa social media ang video kung saan makikitang
may hawak na cellphone ang dalawang pulis at tila bising-busy ang mga ito.
Ayon sa KAMI, tila
busy ang mga pulis dahil sa paglalaro umano ng online games na Mobile Legends
(ML).
Mapapanuod sa Facebook video na pinost ng netizen na si Even
Demata, siya mismo ay pumunta sa presinto ng alas-3 ng umaga upang humingi ng
tulong.
“Nang magpunta po ako
sa presinto kaninang alas 3:00 ng madaling araw para humingi responde dahil may
nangyaring insidente sa lugar namin,” sabi ni Even sa knyang post.
“Tapos ganyan lang po
reaksyon nila, naglalaro ng ML (MOBILE LEGENDS) sa oras ng trabaho imbes na
rumisponde at unahin magpatrolya,” dagdag pa nito.
Dagdag pa ng uploader ng video, nabastusan siya sa naging
reaksyon ng mga pulis sa kabila na emergency ang kanyang inilalapit.
“Ako po maka-PULIS
kaya lang medyo nabastusan ako sa ipinakita nilang asal dahil emergency at need
mapuntahan,” sabi pa ni Even.
Di naman mapigilan ang panggigigil ng mga netizens sa naging
reaksyon ng mga nasabing pulis. Binatikos rin ng mga netizens ang paglalaro ng
mga pulis habang oras ng trabaho.
Narito ang komento ng mga netizens sa video sa Facebook:
“Ito dapat alisin sa serbisyo”
“Impake na kayo mga tutoy at wala na kayong trabaho bukas”
"Sibak on the spot hahahaha ML pa”
“Ayaw yata mag push ng mga pulis eh”
“Ito mga pulis na ito ang bigyang parangal.Gawad sa
katamaran”
“mga sir. mas okay mawalan ng star sa ML kesa mawala sa
serbisyo.”
Source: KAMI
0 Comments