Photo courtesy of Inquirer |
Muling nagbabala ang Food and Drug Administration kaugnay sa mga produktong kontaminado ng African Swine Fever (ASF).
Kabilang sa mga produtong ito ay ang mga processed meat products gaya ng tocino, longanisa at hotdog.
Ayon sa resulta ng laboratory examination na ginawa ng FDA, nagpositibo ang tatlong brand ng mga processed meat na kasalukuyang binebenta sa mga groceries at supermarket.
Dahil dito, nais ng FDA na ipaalam ang mga sumusunod na processed meat products ay hindi ligtas kainin, dahil ito ay nagpositibo sa ASF.
Sa naunang reports ng KAMI, imported di umano ang mga brands na ito, ngunit sa pinakabagong report ito pala ay mga local meat products. Isa na nga rito ang "Mekeni" na nagpositibo rin sa ASF.
Hindi naman makapaniwala ang CEO ng Mekeni na si Prudencio Garcia na lumabas ang pangalan ng kanilang kompanyang sa kabila nang masusi ang kanilang pagpoproseso ng mga produkto sa Pampanga.
Kumpirmado nga na kasama ang Mekeni sa mga nagpositibo sa ASF sa iisinagawang pagsusuri ng Bureau of Animal Industry noong October 15, ayon sa balita ni Maureen Simeon ng Philippine Star.
Dahil dito, inirerekomenda ng pamahalaan na i-"recall" ang mga nasabing produkto na dapat pangunahan ng Department of Health-Food at Drug Administration.
Nilinaw din naman ng Food and Drug Administration na wala namang masamang epekto sa kalusugan ng tao kung sakaling makakain ito ng produtong kontaminado ng ASF.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang CEO ng Mekeni sa kanilang legal team para sa kanilang susunod na hakbang ukol dito.
Nais din ng Mekeni na matukoy kung paano isinagawa ang pagsusuri at kung saan nakuha ang sample at marahil posible umanong "planted" upang siraan lamang ang kanilang kumpanya.
Ang iba pang sample ng processed meat products na positibo rin sa ASF ay mga homemade at hindi branded.
Source: KAMI
0 Comments