Gretchen Barretto tells niece Julia: ‘Ang bait mo ngayon kung kay Dennis ka lumaki’


Gretchen Barreto and niece Julia Barreto / photo file from ABS CBN



Hindi talaga mapipigilan ang pag sasalita ni Gretchen Barreto laban kay Julia Barreto na kanyang pamankin at anak ng kaalitang kapatid na si Marjorie.

Muli ay nag post na naman ang dating aktres ng prangkang mensahe laban kay Julia at muli na namang pinag usapan ito sa social media.


Ayon kay Gretchen, mas naging mabait siguro si Julia kung ito ay pinalaki ng amang si Dennis Padilla.

“It’s time to change from Barretto to Baldivia, Julia,” Ayon sa post ni Gretchen

“Ang bait mo ngayon kung kay Dennis Padilla ka lumaki,” Dagdag pa nito



Kamakailan lang din ay naglabas nang maanghang na sagot si Gretchen laban sa isa pa nitong pamangkin na si Nicole Barreto tungkol sa akusasyon na pang-aagaw diumano ng tiyahin sa ex-boyfriend niyang si Atong Ang.


Ayon sa post ni Gretchen: “Your mother & your services fired over 4 yrs ago.”

“Would you want me to expose the reasons for it or would you care to tell your twisted truth Nicole Ramos Barretto Magno.” banta pa ni Gretchen.

Pasaring pa ni Gretchen kay Nicole sa kanyang Instagram Stories: “There's a difference between a girlfriend & merely (past time). Na nilalako ng nanay.”



Source: Push

Post a Comment

0 Comments